A long musing on becoming an Atheist | Isang Mahabang Litanya ng Pagiging Atiyista
I remember wondering when I was a kid why some people have no faith in God. I was about to go home with one of my girl friends when out of the blue I said to her, “I really can’t understand why some people just don’t believe in God. Do they not realize that it is impossible not to believe in God’s existence? Can’t they see that wherever we look we can see the grand design of the Creator?” My friend looked at me and frowned. I think she even said, “Yan ka na naman sa kaiisip mo eh. Isang araw di ako magtataka kapag nabaliw ka!” (There you go again with your deep thoughts. I will not wonder when one day you'll end up a mentalcase)
Hindi ko akalain na yung kakaisip ko ang magdadala sa akin sa prinsipyong mayroon ako ngayon, isang atiyista. Isang mahabang proseso, isang mahabang adventure. Saan nga ba nagsimula?
I have always been interested in philosophy, in religious discussions, in arguments about the metaphysical. I didn’t even know that religious debates are called apologetics. Nalaman ko nalang yun nung naencounter ko yung term sa isa sa mga librong binulatlat ko ng patago sa madilim, nilalamok at masapot na library ng simbahan namin.
I could say I grew up in the church, kasi yung bahay namin sa loob talaga ng compound ng simbahan. Nasunugan kasi kami nung bata pa ako, kaya napilitan kaming makitira sa compound ng church, libre kasi, wala kaming binabayarang renta. T’wing wala akong ginagawa, I would go inside the church building and explore the second floor. It was there na nadiscover ko yung karton-karton ng mga interesante at masarap basahing libro. I remember this one book that contains article written by Karl Marx when he was still a kid and a Christian. You wouldn’t imagine such a kid with so much passion and belief in God would end up a communist and an atheist. Naisip ko agad, ano kaya ang nangyari kay Karl Marx at nagbago ang pananaw nya sa buhay.
Yung mga madalas kung basahing libro ay yung mga books on apologetics at yung tungkol sa cults and occults. Imagine high school pa lang ako pero tungkol sa bahai faith, christian science, SDA, Unitarianism, Jehovah Witness, Church of the Latter Day Saints, Wiccan (New Age) at Satanism na ang mga pinagbabasa ko. Lahat yata ng mga libro kung paano idefend ang fundamentalist christian belief (religion ko noon) against the ‘other’ religions na nadiscover ko sa mga karton ay binasa ko. May mga iniuwi pa ako sa bahay,nakalimutan ko ngang ibalik yung ibang libro hanggang nakalimutan ko na kung saan ko naipatong at tuluyan kng nawala. Hindi pa kasi uso inventory nun sa church kaya nde nila nahuli ang pabibong magnanakaw na kumupit ng mga aklat.
Naalala ko rin yung comics na Crusader – katumbas ng Marvel Comics, Christian Comics nga lang ito, gawa ng chicks publication. Lalong lalo na yung Alberto Series, nakakasira ng utak. Dapat nde pinapabasa sa mga bata, pero anak ng putsa nabasa ko, syempre akala ko pambata, Comics eh! Tungkol sa sang katutak na topics about Catholic Conspiracies, nandyang ibandera nito ang sex life ng mga pari at madre sa kombento, na kesyo naghuhukay sila ng tunnel na magkokonekta sa dormitoryo ng pari sa dormitoryo ng madre, na tuwing magkikita ang mga ito ng patago ay nagtatalik. Tapos, pagnabuntis yung madre ay sinasacrifice sa altar yun baby! Sick images, and I am not kidding, nasa comics sya ng Alberto Series. Syempre nde lang yun ang topic, meron din tungkol sa black pope, sa kaugnayan ng Islam at Kotolisismo, tungkol kina Nimron at Semiramis, ang mag-inang magkasintahan na sinisimbulo ng Madonna and Child ng Catholic Church. Napraning ata ako matapos kung mabasa yung lahat ng comics, tingin ko sa lahat ng mga tao (pare at madre) ng simbahang katoliko ay mga demonyo. Makakita ka ba naman ng mga madreng me hawak na patalim at sasaksakin yung walang kamalay malay na sanggol as human sacrifice, nde ka ba mapapraning kug bata ka na lumaking napapalibutan ng mga relihiyosong tao? Daig ko pa yung nakadroga nung bata ako no!
Syempre nde natapos sa Crusaders ang adventure ko. Nung nasa high school pa kasi ako, lagi akong pabida twing me religious activity sa church namin. Nag-totop talaga ako sa mga bible quiz, syempre kasi power team yung team ko, kasama ko ba naman yung mga anak ng elders namin sa church at anak ng senior pastor namin (who turns out to be non-straight too by the way – I hope he doesn’t read this coz i think when he finds out he will definitely kill me. LOL). Elite group kasi kami ng simbahan, the future missionaries, pastors, elders. Lahat ata ng church activity sasalihan namin. I remember being one of the organizers ng Rise-Up Philippines sa Palawan. Nandyang magiiyakan kami twing worship service, me pataas taas pa ng kamay at paluhod luhod for more impact. I also attended yung certification for Evangelistic Explosion Seminar para macertify ako sa missionary, ako ata pinakabata na umattend nun. Dahil sa sangkatutak na training na dinaanan ko sa simbahan namin, natural lang na magstart ako ng bible class sa iskol ryt? Samakatuwid, nakilala ako as the bible kid nung hayskul ako at relatively maraming umaattend ng bible class namin, at syempre ang lolo nyo ang facilitator.
Well, one time me nagtanong sakin, “Yung God daw ba alien?”, “Kapag hermaprodite ka ba automatic na makasalanan ka na? Kailangan mo bang pumili na kaagad ng sekswalidad at mag paopera para macorrect yung maling ari mo? Eh paano kung wala kang pera? Kasalanan mo ba kung mahirap ka?” Sinunod sunod kasi ako ng mga follow-up questions, ilang beses ata akong tumambling nung araw na yun. Ba eh malay ko ba kasi sa sagot, nde naman kasi pinaguusapan yung sagot sa mga tanong na yun sa church. Pero syempre dun na nagsimula ang mas maraming tanong sa utak ko. Dun na rin nagsimula ang mga usapan at diskusyong pagkahaba-haba.
Sa pananaw ko kasi, kung tama ang paniniwala ko, lahat dapat ng tanong ng mga kaibigan ko ay may MALIWANAG, RASYONAL, LOHIKAL, KATANGGAPTANGGAP na sagot. Ito na ata ang simula ng mas malalim na pag-aaral na ginawa ko para ipagtanggol ang paniniwala ko sa mga unbelievers – tawag sa mga nde ko karelihiyon, yung mga automatic na mapupunta sa impyerno dahil walang pormal na deklarasyon ng pagtanggap kay kristo sa puso nila, chuzz!
Nariyang makipagdebate ako sa muslim na titser ko sa math, dinala ko yung Crusader comics na Sabotage, para ipagtanggol ang paniniwala ko na si Isaac ang isinakripisyo ni Abraham sa bundok at hindi si Ismael. Pinagalitan ako ng kaklase kung muslim nung nalaman nya ang ginawa ko, sinabi nya sa akin na nde ako nakikipag debate ng ganun ganun na lang dahil pwede akong mamatay o ipapatay. Legal kasi ata sa muslim yung ganun, Jihad ata tawag dun.
Pero nde ako tumigil, pinagpatuloy ko ang paghahanap ng sagot sa mga tanong ko. Basa dito, basa duon ang ginawa ko. Tinry ko na magtanong sa mga elders ng church, nalaman ko na lang na pinaguusapan pala nila ako at pinagpipray over pa, na para bang naliligaw ako ng landas. I was already expecting that they will not give me the answers i needed.
At pumasa ako sa UPCAT. Unang semestre ko sa UP diliman, ang una ko kaagad sinalihang Org ay ang State Varsity Christian Fellowship. Syempre first time kong sumali sa org, tuwang tuwa ako kasi marami akong makikilala, mga bagong magiging friends. Hehe. Bilang isang pabibong applicant, kinausap ko yung isa sa mga kuya ng org at nagtanong tungkol sa bibliya. Una tinanong ko sya kung naniniwala ba sya na ierrant ang bibliya, and as expected affirmative sagot nya. So, binanatan ko na sya ngayon ng tanong, “How come NIV and KJV have different versions of 1 John 5:7?”. Yun lang tanong ko. Nde nya ako sinagot, nde ko rin naman iniexpect na masasagot nya yung tanong, mahaba kasing diskusyon yun, mauuwi lang sa pagamin nya na ang bibliya na pinanghahawakan nya ay maraming contradiction at puno ng errors, mauuwi sa tanong na, “Which bible is the true word of God?” Napangiti na lang ako.
Naglakad ako hanggang makarating ako sa FC at makita ang poster ng Coffee and God, sponsored ng UP Atheist Circle. Out of curiousity (curiousity can kill, ayt!), pumasok ako para makinig. Ang ganda ng diskusyon, nagulat din ako kasi mukhang tao din pala ang mga atiyista (there are some who are very good looking) at matatalino pa. Natapos ang diskusyon, naguwian na ang mga tao. Naglalakad si Abstract palabas ng tanungin ko sya kung me discussion pa sila, baka pwede umattend as observer. Yun na! Observer my ass!
By the end of the sem, certified agnostic na si mokong (ako yun). And after a year, I became a full-pledged and proud existentialist atheist.
Next is the beginning of my adventure to homosexuality….
``
This entire article is a repost of a previously written one from a decade ago. When I was still active on Wordpress under a different pseudonym.
Comments