The Bhloom Project #001: Ang Simula
Noong Unang Panahon
Kahapon ng ala una-imedya ng madaling araw, habang tulog pa ang mga hindi nagtatrabaho sa call centers, may isa pang nilalang na di pa dinadalaw ng antok.
Nakaupo si Edong sa may hagdanan ng kanyang tinitirahan at nangangarap. Bata pa lamang siya ay kanya ng ninanais na sumali sa Bb. Pateros competition, magtayo ng sariling talyer at maging isang Charlie’s Angel! Ngunit dahil sa di sinasadyang paglaro ng tadhana sa kanyang buhay, siya ngayon ay isang ulila na naghahanap-buhay bilang taga-hila ng bangka sa Ilog Pasig.
Sa kabilang dako ng Ilog Pasig, kahapon din ng ala una-imedya ng madaling araw, ang alien na si Ate Siena ay naghahandang bumalik sa kanyang planeta pagkatapos ng kontrata niya sa MMDA. Bago sya umalis, nakipagkita muna sya kay Darna upang maipasa ang kanyang super powers para maipagpatuloy ang kanyang misyon na tulungan ang MMDA sa kanilang Manila Beautification Project. Dahil sa walang dalang papel at ballpen si Darna, pinagsangayunan nilang dalawa na itawag o i-text nalang ni Ate Siena ang kanyang mga bilin.
Habang nag-mu-munimuni si Edong, biglang tumunog and kanyang Nokia 3210 na cellphone na binili nya ng 100 pesos sa mga snatcher ng Divisoria. At syempre dahil mura lang ang kanyang bili, forever naka-level 5 ang beep beep tone nito. Halos mahulog sa kinauupuang hagdanan si Edong ng kanyang marinig ang ringtone nyang “How Do I Live” ni Trisha Yearwood. Bilis nyang hinalungkat ang box ng kanyang mga pirated na VCD para hanapin ang kanyang cellphone. Palakas ng palakas ang ringtone ng cellphone at hindi pa rin nya ito mahanap!
“TOK!” Binato ng kanyang nagising na kapitbahay ang lawanit na naghahati sa kanilang tagpi-tagping pader. “Ano ba yang pakshet na cellphone mo Edong! Magpatulog ka naman chong!”, si Mang Nestor kubrador ng huweteng sa plaza.
Pagkatapos batuhin ng tsinelas ng kanyang kapitbahay ang dingding ay biglang tumigil ang pag-ring ng cellphone. Napagbuntunghininga si Edong. Sa kakalinga-linga ni kuya na parang hilongtalilong na bakla ay kanyang napagtanto na nasa bulsa pala nya ang 100 peso cellphone (Bangag at adik lang ateh)! Isang di kilalang numero ang lumitaw sa kayang “missed call” window. Tatawagan sana nya kaya lang naalala nya na wala pala syang load. Inisip ng mabuti ni Edong kung sino sa mga inutangan nya ang may alam ng bago nyang cell number. Habang nililista nya sa kanyang palad ang mga pangalan ng mga taong inutangan nya noong linggo na yun, muling tumunog and cellphone nya ngunit imbis na tawag ang kanyang natanggap ay isang text.
At ito ang nakalagay:
“Mabuhay mother! Etechlavu ay isang chantalu. Bigkasin paatras ng sampung beses sa tono ng kantang wowowee habang nakaluhod sa asin – echuz lang mother! Powerful itik ateh! BASA! Gagah nde wet – “read!” putah ka basahin with feelings!
- ~ Anere sumere kemerekere! Asunta de Rossi hapi hapi Sam Milbe bekebeke! Kalachuchi gumamela bougainvillea nova villa! HA! ohhhhmmmmmm.”*
Itutuloy...
Episode 001: Ang Simula
Episode 002: Si Edong
Episode 003: Si Erica
Episode 004: Si Lupita
Episode 005: Si Bhloom
Episode 006: Team Dragonotes
Episode 007: Si Jeopardina
Comments