Rathaus Scrabble DeathMatch

For Betchay who is currently in Japan: It will take you three more years to go home, and we know that you can't help to get back at us and win a game in scrabble. Alvictus can't help to remind you how, "Your AA and QAT are so passe!" So study hard there because on your next vacation we will spend six hours playing scrabble here in Rathaus.


Para kay Betchay na kasalukuyang nasa Japan: Tatlong taon pa ang bubunuin mo dyan. Alam naming atat na atat ka ng kalabanin kami sa scrabble. Sabi nga ni Alviktus, "Your AA and QAT are so passe!" So magaral kang mabuti dyan dahil sa susunod mong bakasyon ay anim na oras tayong mabuburo sa kakascrabble dito sa Rathaus.


Eto nga pala ang bagong Rathaus Scrabble Game Rules:

  • Kapag pakiramdam ng mga kalaban mo sa Scrabble ay kahinahinala ang word na inilapag mo sa Scrabble Board ay pwede itong i-challenge ng ibang player. Iche-check lang namin ang word sa Rathaus Official Scrabble Online Dictionary (SOWPODS). Pag nage-exist ito sa SOWPODS eh pwede ka ng huminga. Pero kapag nde nage-exist sa SOWPODS ang word na pinagpipilitan ng player ay i ma-minus ang possible total score ng word sa score ng player and he losses his turn for that round.
  • Sa mga magcha-challenge, kahit ilang beses pwede. Wala naman kasing minus sa score ng magcha-challenge kung sakaling accepted sa SOWPODS ang inilapag na word.
  • Kung me tatlong magkakaparehong letra ka sa tiles mo, pwede mong palitan yung isa.
  • Bawal tumingin sa dictionary. Bawal magtanong kung accepted ang word na ilalapag. Bawal mag-guess ng word. Bawal humingi ng tulong sa ibang players, sa jowa, sa friend, o sa kung sino mang asungot na nanunuod sa game. Otherwise, you lose a turn. Dapat lahat ng tira mo ay sure na sure ka na at final answer mo na ito.

Thats it! Eto nga pala ang result ng Game 1 kanina. Naglalaro kami ng Scrabble sa sala habang pinapatugtog ni Aweh ang kumpletong album ng ABBA na kapanahunan ni Alviktus.

Winner of Game 1: Alviktus

Winner of Game 2: Pinoy.Viajero

Winner of Game 3: Alviktus