Of Marlboro Reds, Winston Lights, & Gold

6n9s7b8rm9.png
Today, I celebrate my 10th anniversary as a Non-smoker, and I remember writing my musings below when I was still addicted to the nicotine.


Damn, I can't stop smoking! I can finish half pack of Marlboro Lights in one day now. Dati pa stick stick lang..ngayon kalahating pack na! Super Fart! Naaalala ko pa noong college days, ang una kong yosi ay Phillips, yung pang "Ho"ly Camoly. Tinanong ko minsan yung isang kaibigan ko medyo-"Ho-ish" kung bakit philips yosi nya, "Para matagal maubos! Baliw!" Shit, oo nga naman! Kung nakatayo ka sa kalye at matagal na nagaantay ng paparada eh, syempre okay na okay ang matagal-tagal na suba (salitang bakla na ang ibig sabihin ay sigarilyo).

7roflhr1oz.jpg

Noong nagtatrabaho na ako sa isang bangko sa Eastwood, Marlboro Reds ang yosi ko, nakaka limang stick ako bawat break. Yung pakiramdam ko nun para akong nasa alapaap pagtapos ng yosi break, pero sarap magtrabaho, kasi nakakarelax. Kaso medyo sumakit yung dibdib ko kaya tinigil ko yung Reds medyo matapang kasi, pinalitan ko ng Winston Lights - yong parang lasang papel.

Naisipan kong magtrabaho sa isa sa mga call centers sa Eastwood, halos lahat ng kaopisina ko Winston Lights ang yosi. Isang buong team kami na magbebreak ng 30 minutes para magyosi sa ground floor ng IBM, lahat me tigiisang kaha ng Winston Lights, kung wala ka namang dala hingi ka lang ng isang stick sa teammate mo. Antagal, na puro Winston Lights ang yosi ko. Tuwing lalabas ako para, mag-party, me dala akong isang kaha ng Winston sa bulsa kasama ang cricket na lighter na madalas ko rin namang mawala. Shet!

Several months ago, nagrelease ang Marlboro ng tig-hahalf pack na kaha ng yosi, tuwang tuwa ako kasi finally makakatipid ako. Yun ang akala ko, dahil mas lalong lumala ang aking bisyo. Nagsimula sa kalahating kaha na mauubos ko ng dalawang araw, ngayon ang kahalating kaha ay di na tumatagal ng isang araw.

Nandiyang maglagay ang Marlboro ng napakalaking sign sa pack nito "GOVERNMENT WARNING: CIGARETTE SMOKING CAN KILL!" walang epekto! Minahalan na ang ang isang kaha ng yosi eh bumibili pa rin ako. Masarap eh!
djupupkxjs.jpg

Minsan tinanong ako ng barkada ko na clean living sa katawan (nde marunong magyosi), "Bakit ka ba nagismoke lagi?" "Eh, kasi bored ako at wala akong magawa, tsaka nakakaalis ng stress." Yeah right!

Ang totoo nyan, masarap lang talaga sa pakiramdam yung me isang stick ka ng yosi sa pagitan ng dalawa mong darili, yung hinihithit mo yung usok ng yosi at ibubuga ng pinong pino. Nakakatuwang tingnan ang usok, at masarap ang lasa ng mainit at medyo mapait (spicy) sa dilang usok ng yosi, lalo na kapag pinapaikot mo ito sa loob ng iyong bibig, nilalaro laro ng dila yung init. Nakakaadik! Tapos kapag hinihithit mo at pinatatagal sa loob ng dibdib ang bawat usok ng yosi, pakiramdam mo ay pumuputok ang mga hibla ng utak mo, parang nagigising ang iyong katawang kanina lang ay inaantok! Nakakarelax!

vf4f0icvbd.jpg

Ooops! Napasarap ako sa kwento. Naubos ko na pala yung Marlboro Lights ko. Sandali lang po at bibili lang muna ako sa tindahan sa labas. Isang kaha na kaya ang bilhin ko?


Fast forward to a year later.


Nagising ako na sobrang ubo ng ubo, na para bang nauubusan na ako ng hininga. Akala ko mamamatay na ako. Kasi parang may nakabarang plema sa throat ko na hindi ko mawari. Basta ang alam ko lang eh, yung paninigarilyo ko ang dahilan. Natakot ako. Kaya nong araw na yun ay nagdesisyon ako na tumigil ng magyosi.


After 10 years, ito ako ngayon. Isa ng certified non-smoker. Medyo hindi ko na nga gusto yung amoy ng yosi eh. Ganun pala yun. Sa susunod siguro, ikukwento ko naman senyo kung ano ang naging Journey ko simula ng magdesisyon ako na hindi na magyosi.

That's it. Thank you po.