Cooking with Porkivore: Leche Flan 101
I know nothing about cooking. I'll just buy food whenever I'm hungry, and eat whatever is edible and looks good. I'm a sucker for a good presentation. If it looks good and is expensive that makes it worth eating (Yeah right!). I had my share of boo boos though, eating all green is said to make one healthy (lots of fibers and stuff) but darn do it taste really bad! I was in this one place where I bought a yellowish dish, all the colors say 'eat me, I taste good', my inner gullible self says 'yes yes yes'. I ended up choking myself, 'it taste so much like poop!' I never came back to that oh so unfabuloush restaurant which I dare not mention, and I can't remember the name of the yellowish monster dish, sounds too German to me, or was it French.
Lesson learned: Listen to recommendations dimwit! That's why you have friends to try it first. They will definitely tell you where the best shops and restaurants are found. Make sure you listen well and not to try the same craziness again. Haha!
Oh, damn! This is suppose to be a cooking article, me sharing my improvised version of how to make a Leche Flan without an oven.
Okay! So, let us prepare the materials that we will be needing:
- Walong itlog na binili mula sa pinakamalapit na tindahan
- Isang malaking lata ng gatas (Condesada at hindi Evap, gagah!)
- Asukal kahit anong kulay pwede - red, orange or blue
- Lanera (Kumonsulta sa talasalitaang Tagalog)
- Steamer (pwede na ring Rice Cooker..hehe)
- Tinidor, mug, at bowl
Step 01: Gamit ang puwit ng tinidor, gumawa ng maliit na butas sa ‘tip’ ng itlog. Ingatang huwag mabasag ang buong itlog, okay.
Step 02: Gamit ang iyong magagandang daliri, lakihan ang butas tulad ng nakikita sa larawan. Maging maingat, mag-focus sa ginagawa hindi sa kung saan saan ka nakatingin.
Step 03: Ganyan lang dapat kalaki ang butas.
Step 04: Isalin ang puti ng itlog sa isang baso (mug). Mararamdaman mo ang malamig, malapot at medyo madulas na likido na lumulabas sa butas ng itlog. Sa simula ay madidiri ka pero pagtumagal ay masasanay ka rin. Don't give up, you're half way there.
Step 05: Pagkatapos isalin ang puti ng itlog sa mug, lakihan ang butas ng itlog tulad ng nakikita sa larawan.
Step 06: Isalin sa palad ang pula (pero yellow orange talaga ang kulay nito) ng itlog. Ingatang wag itong malalaglag sa sahig. Okies!
Step 07: Ilipat ito sa bowl kasama ng mga kapatid nito. Ingatang wag mabasag ang pula. Wag ka ng magtanong…pangit lang kasi tingnan kung basag yung itlog.
Step 08: Gawin ang Step 1 to 7 hanggang may walong pula ka na sa bowl, tulad ng nakikita sa larawan. Madali lang di ba?
Step 09: Gamit ang tinidor, simulang batehin ang mga pula ng itlog.
Step 10: Batehin ang itlog hanggang maging consistent ang mixture.
Step 11: Ihanda ang gatas na condensada (condensed milk).
Step 12: Gamit ang kutsilyo, gumawa ng butas sa lata. Para lang akong papatay ng tao di ba? Hehe.
Walang Step 13, malas daw.
Step 14: Actually may can-opener ako sa kwarto..hehe..nde ko lang sinabi kay Joy (sya ang nagsusupervise sakin) dahil nde naman sya nagtatanong. LOL
Step 15: Ibuhos ang laman ng lata sa binateng itlog. Oh di ba, anlapot na talaga ng mixture natin mga ateh at kuya!
(Step 16:* I-mix mo na uli. Mix, mix, mix. Ansarap mag-mix! STOP ka na kapag nakita mo ng consistent ang mixture.
Step 17: Maglagay ng asukal sa lanera. Hawak hawakan tulad ng nakikita sa larawan. Wala lang po.. gusto lang ni Joy hawak hawakan ang asukal. Actually, pinapantay po nya ito. hehe.
Step 18: Dahil limitado ang aming mga gamit (Mahirap! Choz!) Gamit ang rice cooker, ilapag ang lanera sa loob at painitin.
Step 19: Painitin ang lanera hanggang mag-golden brown ang asukal…hahaha! Ang itim na ng asukal namin! Nasunog ata! Joyyyy! Ano na gagawin ko..shit!
Step 20: Ibuhos ang mixture sa lanera. Wag po gawin sa sahig tulad ng nakikita sa larawan. Wala lang po kaming table kaya sa sahig namin ginawa. Hahaha! Baka naman me gusto magdonate ng kitchen table dyan..message me lang. LOL
Step 21: Ilagay ang lanera sa loob ng rice cooker uli at painitin. Pansining nasa sahig parin ang rice cooker. Donations are more than welcome na talaga!
Step 22: Ooops luto na sya…Yahoo!!
Step 23: Final Shit! Astig diba!… Ilagay sa Ref para lumamig. Tama po ang nabasa nyo.. me ref po sa bahay. Hahaha!
Comments