The Bhloom Project #003: Si Erica


Image Source Click Here

(nina Firewomyn at Oboids)

Location: Forbes Parking Lot
Time: 07:00 am

Alas-siyete ng umaga, papasok pa lang sa exclusive school for the girls - College of St. Bridgette's- ang sosyal na kolehiyalang si Erica na nagmumunimuni sa loob ng kanyang Ford Expedition. Maloka-loka na sa kakaisip sa kanyang latest eye-candy, ang machong taga-hila ng bangka sa Ilog Pasig na nagngangalang Edong.


Image Source Click Here

Una nyang nakita si Edong-baby nung minsang ibinaba nya ang window ng kanyang car habang binabaybay nila ang eskinita ng Bagong Ilog. Nainlababu agad si Erica nang makita nya ang nagkikintabang muscles ni Edong habang hinihila nito ang bangkang sinasakyan patawid ng Pasig. Sa hindi malamang dahilan, ay nakakaramdam si Erica ng kiliti sa twing nakikita nya si Edongski (Kilig pet name nya for Edong-baby). Hindi nya napipigilan ang magpagirl-laugh twing masisight nya ang kanyang super papah. Mula nuon ay hindi na makalimutan ni Erica ang mga nagtutuluang pawis sa basang katawan ng mala-Cosmopolitan cover boy na si Edong.

May isa lang uber turn-off kay Edong, ang kanyang mala Jose Rizal hairstyle na ginamitan ng cheafanggang hairgel.

Matagal na rin gustong isali ni Erica si Edong sa show na* Queer Eye for the Straight Guy* para makakuha ng isang make-over para palitan ang hairstyle ng kanyang super crush. But for some freaking crazy reason (punyetang traffic sa EDSA!) ay naleyt sya sa Presscon ng Fab5 sa MOA.

At dahil sa gusto nyang makilala ng lubos ang misteryosong bangkero para mai-share dito ang kanyang mga natutunang good grooming tips from her Alpha Beta Max Sorority sistahs sa Bridgette's, and of course to also see to it that her man upgrades his super cheap gel to Gatsby, ay nakaisip sya ng modus operandus. Araw-araw, bago pumasok sa school, nag-papa-drop off siya sa kanyang chauffeur sa istasyon ng hila-bangka at tinitiis nyang sumakay sa oh-so-dirty na canoe para tumawid ng ilog. Of course, she sees to it na magmemeet ang mga mata nilang dalawa ni Edong-baby. Sa pagkatawid, tsaka sya sinusundo muli ng kanyang kotse sa kabilang bank.

Image Source Click Here

Sa loob ng dalawang araw ay ganito ang naging routine ni Erica. Dahil dito, unti-unti nyang nakikilala ang kayang kina-kareer na si Edong, nalaman nyang the man is very shy and seems to be so into his making hila-hila the boat to the other side that he barely notices her $1000 Anne Klein shirt.

Anne Klein Shirt
Image Source Click Here

Matagal na syang nagpapahiwatig ng kanyang pakay na pagupitan, i-manicure, i-pedicure at i-hot oil sa Bench Fix Salon ang binata ngunit sa sobrang tinagal ng dalawang araw nyang pagpaparinig (tiglilimang segundong palitan ng salitang "Hi") kay Edong, ay parang wala itong naririnig.

Anyweyz, ngayon araw na ito ay buo na ang loob ni Erica na mapasakanya ang kanyang uber fafa. She reminded herself that she can always get whatever she wants as long as she puts her mind to it. And she can still remember those happy days when she dated the boys of College of St. Agustin's - the Gamma Gamma Gamma boys also known as Triple Gamma Fafa.

Wala pa ang driver nya kaya pinasya nyang hintayin nalang ito. At para hindi ma-bagot ang dalaga, sya ay nag-chess na kalaro ang sarili. At finally, pagkatapos ng ilang panalo nya sa chess, dumating din ang kanyang tsuper. Nag-iinit ang ulo at paa ni Erica habang tina-travel ng driver ang daan papunta sa istasyon ng hila-bangka. Dumating sila doon ng alas-otso singkwenta na! At...AWOL ang kanyang knight in shining ropes.

"Dammit!", she said to her sarili.

Mas-lalong nagalit ang spoiled na dalaga ngunit dahil nandoon na sya sa istasyon, sumakay na rin sya ng bangka.

Habang hinihila ng isang di kasing gwapo ni Edong na lalaki ang bangka, may nakapansin sa mayamang nakasimangot na si Erica. Isang matandang babae ang lumapit at humingi sa kanya ng tulong. Dahil mabait naman si Erica, binigyan nya ng tseke ang matanda na may halagang 11 pesos. Tuwang tuwa ang lola at nung nakarating ang bangka sa kabilang pampang, ay kinausap sya nito.

"Ako ay isang diwata! Dahil ikaw ay isang mabait na tao, bibigyan kita ng isang kahilingan. Kahit ano! Wag lang house and lot, kayamanan, pera, manalo sa lotto, gumanda, tumangkad, yumaman, sariling negosyo, asawa, panibangong kotse, makarating sa ibang bansa o iba pang bawal ayon sa Philippine Constitution, Bill of Human Rights, Animal Rights at Code of Conduct ng mga Call Center. Wag lang yon, pero kahit ano pa ang hilingin mo, ibibigay ko."

Sinubukan ni Erica mag-isip ng mabuti. Ano ba ang pinakamahalagang kailangan nya ngayon?

Jisip-jisip. Jisi-jisip ng aver.

Dahil sa sobrang hirap sya sa pag-iisip at kailangan ng umalis ng diwata para mag-pa-parlor, mag-SM at i-encash ang tsekeng worth 11 pesoses, nagpasya ang dalaga na hilingin ang pag-ibig ni Edong! Natawa ang diwata. Hindi ito sumang-ayon dahil ayon sa small print ng Bill of Animal Rights, bawal mag-bigay ang isang diwata sa kahit kanino man ng pag-ibig ng ibang tao.

Napahagulgol si Erica sa narinig. Inilabas nya ang kanyang $24 Prada Hanky para punasan ang kanyang nangingilid na tears.

At dahil sa ayaw ng diwata na bumaha ng luha sa kinatatyuan nilang gutter, sinabi ng diwata na iba nalang ang ibibigay nya. Ibibigay nya kay Erica ang abilidad na laging makasama si Edong tuwing panahon na kailanganin sya ng machong bangkero. Hindi lubos maintindihan ni Erica ang binigay ng diwata ngunit ito'y tinanggap pa rin nya para lang makasama nya si Edong-baby.

Binigyan ng diwata si Erica ng isang CD-R King na mp3 player na may nag-i-isang kanta, ang tema ng Selecta Ice Cream.

"Lolah naman you're so cheap ha!"

Babawiin sana ng lola, pero biglang naiyak si Erica. So binigyan sya ng diwata ng short instruction. Kailangan lang patugtugin ni Erica ang player at sya ay ma-ta-transport na sa lokasyon ni Edong. Ngunit kapag hindi sya na-transport, ibig sabihin nun ay hindi kailangan ni Edong ang tulong nya.


The Bhloom Project #001: Ang Simula
The Bhloom Project #002: Si Edong